TWIX "GAGÔ ka ba? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Pagalit na singhal ni Marshall sa kaniya saka tumunghay kay Andrea na nasa sahig at duguan ang kaliwang tenga. Walang emosyon tumingin siya sa dalaga. Kung hindi sana binato ni Marshall ang kamay niya, hindi na siguro humihinga si Andrea, mukhang bagay rito ang may butas sa noo. Hinawakan siya ni Marshall sa magkabilang balikat. "Listen... We need her alive! If you kill her, paano natin malalaman kung nasaan si Cream? Gets mo ba? Umaandar pa ba brainy mo?" Paasik na wika ni Marshall. "At saka... ang galing, kinalabit mo 'yon gatilyo, papatay ka talaga?" sarkastikong usal pa nito. Umismid siya. Wala na siya pakialam, ang mahalaga sa kaniya ay makaganti. "She deserved that!" Nagtatagis ang mga bagang na wika niya saka madilim ang mu

