CREAM ANN TAGAKTAK ang pawis niya habang mabagal na tumatakbo kasama ang Ate Coffee niya. Niyaya siya nito mag jogging, kailangan niya rin kasi mag ehersisyo, ilang taon ba naman siyang nakaratay kaya makakatulong talaga ang pag exercise. Halos dalawang buwan na rin mula nang magising siya, kahit papaano hindi na siya hirap sa paghinga at maayos na rin ang paglalakad at takbo niya. "Okay ka lang?" hinihingal na tanong ng Ate Coffee niya. Bahagya siya ngumiti sabay punas ng pawis sa noo gamit ang puting towel na nasa balikat niya. "Okay na okay ako, Ate." Aniya sabay thumbs up. "Good. Oh, nga pala...hihiramin ko muna si Rix sa Sabado ha. Alam mo naman, mag movie marathon silang tatlo sa bahay." Tinutukoy ni Ate Coffee ay sina Sugar, Honey at Rix. Tuwing walang pasok kasi nag i-sleep

