Kabanata XI

1224 Words
Malalim ang naging sunod-sunod na paghinga ni Eilythia kahit pa kaharap nito ang pagkain sa mga sumunod na mga araw. Dalawang araw pa lang ang nakararaan simula nang bumalik ito sa South Korea pagkatapos ng isang linggong pananatili sa Pilipinas. Hindi niya talaga pinalagpas ang pagpunta na hindi nakakausap ang anak kaya inantay niya itong magkamalay. But Eilyjah seems to be really quiet. Kahit pa ata magpagulong-gulong siya sa higaan ay hindi pa rin siya sasagutin ng anak. Sa huli, pagkatapos ng ilang mga paalala at pangako rito, wala siyang ibang nagawa kundi ang bumalik sa Korea. May laban pa siyang kailangang tapusin at hindi iyon basta-bastang matitigil dito. “Ang lalim naman no’n,” biglaang sabi ni Franco nang makarating ito sa mesang inuukupa nila pagkatapos mag-order ng kape. “What is it about? Ano bang nangyari sa Pilipinas?” Walang ganang kimuha nu Eilythia ang kape, sumimsim at ibinabang muli. “Pakiramdam ko pinarurusahan ako ng Diyos.” “Wala ka namang ginawang masama, Elle–” “Exactly!” Malakas niyang naibagsak ang kamay sa mesa dahilan para mapatingin ang iilang costumer ding naroon. “Wala nga akong ginawang masama. So, why?” Hindi na nakasagot si Franco, siya naman ang bumuntong-hininga. Nagdaan man ang ilang mga taon, espesyal pa rin para rito si Eilythia. Everything she does seems so perfect for him. At ang pinakahinahangaan niya pa sa lahat iyong handang suungin ng babae ang lahat ng problema. Hindi na rin naman siya masyadong nag-aalala dahil hindi na rin magtatagal ay malalaman na ng babae ang lahat. “You need to calm down. Hindi tayo makakakilos nang maayos kung magkakaganyan ka.” Problemadong-problemadong napailing si Eilythia. “Hindi maganda ang nafi-feel ko. Parang mali, parang may iba tayong hinahabol.” Sumeryoso ang mukha ng lalaki, “Why?” “Because he seems really fine with me. Siya iyong mga tipo ng lalaking katulad lang ng mga kaibigan ni Kairus. Mga outgoing–” Mabilis na pinitol ni Franco ang sinasabi nito, tanda ng hindi pagsang-ayon ng lalaki. “Eilythia, he’s the prime suspect.” He . . is. Hindi na rin nito alam ang pumapasok sa isip. Nitong mga nakaraang ayaw ay parang hindi na nito makontrol ang sarili. Tama ang lalaki. Unang kailangan niyang gawin ay mas maging matatag at kalmado. Pero kahit sino pa siguro’y naiintindihan ang ginagawa niya. Napakalaking problema iyon para kay Eilythia. Inagawan ng buhay ang bunsong anak—kahit kailan hinding-hindi niya na ito muling makikita at si Eilyjah naman ay nasa mabigat na trauma pa dahilan para wala itong maalala. Pinaglalaruan talaga siya ng buhay. Her life’s a mess! “May paraan pa ba para makita natin si Mr. Ji? Hindi ko na alam kung ano pa ang susunod na gagawin, Franco.” Napasabunot na lang ang babae sa sarili nitong buhok. “Do you think I should do it?” Nababaliw na siya, malinaw na ang bagay na iyon kay Eilythia. Kaya lang, habang tuloy-tuloy lang ang pagdaan ng mga araw na wala siyang nakukuhang kahit ano tungkol sa may pakana ng lahat at hindi niya nakakasama ang pamilya ay parang paulit-ulit na rin siyang pinapatay. “Do what?” marahang sabi ng lalaki saka sumimsim ng kape. “Seduce him–” Kaagad na naibuga ni Franco ang iniinom dahilan para matigil si Eilythia sa pagsasalita. “Elle, naman!” nakabusangot nang gagad ng lalaki. “He’s the prime suspect. Malaki ang posibilidad na totoong siya nga ang may gawa noon kay Aleeyah yet you’re gonna seduce the s**t out of him?!” Gaano man nito kagustong intindihin ang babae ay mas lalo lang nagiging mahirap ang sitwasyon. “Hindi ko na alam ang gagawin. Napapagod na rin ako, Franco. . .” Luha na lang ang sumunod na lumabas kay Eilythia. Totoong pagod na pagod na ang babae. Ilang buwan na matapos mawala ang anak at ang aksidenteng iyon, pero ni minsan, hindi pa ito nakakuha nang maayos at kumpletong tulog. Mukhang mas mauuna pa nga siyang magkasakit kaysa malaman ang punot-dulo ng lahat. *** Plinano lang sana ni Eilythia ang magkulong sa tinutuluyan buong gabi pero may kung anong nagtutulak dito para makapaglakad-lakad. Isa pa, pakiramdam niya ay matutuluyan lang siyang masiraan ng bait kung magpapatuloy ang mga nangyayari. Sinubukan nitong lumabas para sana mas makapag-isip-isip. Malaking tulong din ang nagawa nang paglilibot-libot. Kapagkuwan ay tinawagan nito si Ate Debi, ananatili na ito sa bahay nila ilang taon na rin ang nakakaraan. Siya na ang namamahala ngayon sa iilan pang kasambahay na naroon. Gusto niyang makausap ang anak. Gusto niyang marinig nang muli ang boses nito katulad ng dati. She miss them. . . so much. Pagkatapos ng ilang ring ay sumagot kaagad ang babae. “Oh, Eilythia. Nako, buti naman tumawag ka. Kumusta ka r’yan?” Bumuntong-hininga lang si Eilythia sa boses na iyon. Hindi nito alam kung makabubuti pa sakanyang magkaroon ng contact sa mga tao sa bahay dahil mas lalo lang itong nanghihina. Hindi nito nagawang sagutin ang tanong ni Ate Debi, sa halip ay mas naunang kumustahin ang anak. “Kumain na po kayo? Pwede ko po bang makausap si Jaja?” Natahimik ang babae sa kabilang linya habang nagtuloy-tuloy naman ito sa paglalakad, naglilibot sa loob ng mall na iyon. Ilang sandali pa ay narinig na nito ang boses ng anak. “Hello–” “Anak, kumusta ka? Kumain na ba kayo?” Walang naging sagot si Eilyjah sa mga tanong na iyon at inasahan na ito nu Eilythia. Ganito naman pala ang sistema nito, magsasalita lang siya nang magsasalita at sasagot lang ang bata sa kung kailan nito gusto. “Ano bang gusto mong laruan, anak. Ibibili ka ni mommy. Ano nga ulit ‘yung gusto mong ipabili sa akin noon? Maghahanap ako kung mayroon dito, ha?” Isa iyon sa pinakamahirao gawin para sa babae. Ang ayusin ang pagsasalita sa harapan ng anak. Ang umaktong ayos lang ang lahat. Ang maging masaya, at makulit para kay Eilyjah kahit pa niloloko lang nito ang sarili. Sa panahon ngayon, hindi na nito alam kung saan marahil kakapit. Hindi niya pa alam kung sino ang dadamay sakanya lalo pa’t nasa malayo itong lugar. “Maghahanap ako rito ng kahit anong gusto, okay? Kapag umuwi ako, dadalhin ko–” “I. . .” Agad na natigilan si Eilythia sa biglaang pagsasalita ng anak. Literal nitong naramdaman ang pagiging malambot ng tuhod. “I want to go there.” Walang makakapantay sa kasiyahang nararamdaman ni Eilythia sa gabing iyon. Awtomatiko pa itong napaluha sa sobrang galak. “Talaga, anak? T-Talaga?” “Dadalhin ka rito ni Mommy. Lilibutin natin ‘to, kaya. . . kaya magpagaling ka, ha? Pupuntahan natin lahat ng gusto mong puntahan, Ja, promise ‘yan–” Hindi na nito natuloy ang sinasabi sa gulat nang biglaang pagtalsik ng cellphone dahil sa lalaking nakabangga. The man was in a hurry kaya naman mas malakas ang naging puwersa nito. Kaagad dinampot ng lalaki ang cellphone niya at hindi na natigil sa kakahingi ng tawad. Tahimik lang na tinanggap iyon ng babae, tuluyan nang nawala sa mood dahil naputol ang pag-uusap nila ng anak. Sa huli ay bahagya na lang siyang yumukod sa harap ng lalaki bago mag-iba ng daan. “Mi. . . Cha?” Ang walang gana at mabagal na pagtibok ng puso ay naghuhuramentado na ngayon. Isang tao lang ang may alam ng pangalang iyan. Dahan-dahan nitong hinarap ang lalaki, tuluyang nakumpirma ang hinala. “Ji Seo Nam?” Siguro nga ay nagsisimula na siyang paboran ng langit. At sa tuwing pinanghihinaan ito ng loob ay kaagad namang may mahuhulog na kung ano para palakasin lalo ang paniniwala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD