Kabanata V

1209 Words
Pagkatapos ng lahat ng nangyari, ipinagpatuloy na ni Eilythia at Kairus ang buhay ng magkahiwalay. Hindi man ito pormal na paghihiwalay sa batas, nilisan na ni Eilythia ang bahay at pansamantala na munang tumuloy probinsya bago ginawa ang plano nitong magpunta sa Korea. Ilang beses na rin nitong kinausap ang anak na kailangan niya munang umalis, dinalihan pa nito ang tungkol sa trabaho pero katulad ng inahasan, wala itong narinig na iba tungkol sa anak lalo pa’t nagkaroon ito ng dissociative amnesia. Ni hindi man lang siya nito nagawang lingunin at ngitian. Gaano man nito gustuhing manatili sa tabi ni Eilyjah, hindi siya kahit kalian mapapalagay. This is the least she can do for Aleeyah kaya naman hindi niya ito magagawang sukuan. Also, she promised herself na pagkatapos maayos ang lahat, pagkatapos mabigyan ng hustisya ang biglaang pagkawala ng anak niya ay babalik siya sa pamilya. This may be a little longer than she’s expecting pero naniniwala siyang matatapos din ang lahat at tuluyan silang magiging masaya—katulad ng palaging sinasabi sakanya ng yumaong ina. “Hindi talaga ako nag-expect na makikita kita rito,” tuloy-tuloy ang pagkukwento ni Franco katulad lang ng nakasanayan. “And, oh, your Korean accent is on fleek. Parang matagal ka na rito!” Pasimple niyang tinitigan ang kaibigang hindi nakita sa matagal na panahon. She could still remember kung paano sila unang nagkita. The moment na sinubukan pa ni Fraco na mag-ingles sa pag-aakalang hindi ako galing sa Pilipinas, ang paglilibot sa kung saan-saang lugar sa Switzerland and also for keeping her company. Kung wala ang lalaki noon, wala itong kaibigang mapaglalabasan ng kung anong mga naiisip, hindi magiging madali para sakanya ang lahat. This guy is really dedicated, hindi naging hadlang dito ang hindi pagtatapos sa pag-aaral para tuluyang magtagumpay sa buhay. Who would have known na tumatabo na rin sa takilya ang sarili nitong kompanya. “Hindi naman, inaral ko rin talaga,” natatawang paliwanag ni Elle. Hindi na rin naging masama sakanya ang unang araw sa lugar at lalong-lalo na, hindi magiging masama ang mga susunod. Alam nito eksakto kung kanino manghihingi ng tulong. “I’m sorry, Elle.” Ikinabigla ng babae ang biglaang pagsasalita ng kaharap. “Nakatulong sana ako kung nasa Pilipinas ako,” dagdag pa nito. Eilythia automatically hung her head low, nagpipigil ng mga luha. Napakasakit pa rin talaga. Sa tuwing masasagi lang sa utak niya kung paanong naghirap ang anak sa kamay ng mga masasamang taong iyon ay parang malalagutan na rin ito ng hininga. Hanggang ngayon hindi pa rin nito matanggap na pitong taon lang nagawang ipahiram ng Panginoon si Aleeyah sa kanila. Napakaiksing panahon iyon para sa bata. Hindi man lang nito magagawang maabot ang mga pangarap. Hindi man lang nito nagawang malibot ang mundo katulad ng palaging hinihiling sa mga magulang. Aleeyah’s life is too precious, napakasakit para sa lahat na agad kinuha ang buhay nito. “That’s. . . that’s the reason kung bakit ako nandito, Franco,” sabi ni Elle sa mas pursigidong boses. Dali-dli nitong hinawakan nang mahigpit ang kamay ng lalaking kaharap bago ito tingnan nang mariin. “And I want you to help me.” Bahagyang ikinagulat ni Franco ang mga salitang narinig niya sa babae pero hindi nito nagawang magdalawang-isip pa. More than anyone, he’s always willing to help the woman. Hindi man naayon sa kagustuhan nito ang nangyari, hindi man nito nagawang makasama ang babae, gustong-gusto pa rin niya itong tulungan sa abot ng makakaya. Nagpabaling-baling siya nang mapansing totoo ngang mag-isa ang babae. “Teka, si Kairus? Nasa hotel niyo na ba?” pagtatanong nito. Kunot-noo lang ang kaagad na naisagot ni Eilythia sa tanong na iyon. Kahit siya, iyan din ang tinatanong sa sarili ngayon. Nasaan kaya ngayon ang asawa? Kasama kaya nito si Eilyjah? Maayos lang ba ang kalagayan ng mga ito? Bumuntong-hininga ang babae. Iniayos na niya sa isip ang lahat at alam niyang siya lang ang maaaring gumawa ng bagay na ito. Hindi pupwedeng iwan ni Kairus ang kompanya nang gano’n na lang. Pagbali-baliktarin man ang mundo, kailangan niyang manatili sa Pilipinas. And with that, talagang kailangan niyang gawin ito. Alam niyang hinding-hindi na pababayaan ni Kairus ang lalaking anak. Nagkaroon man sila ng hidwaan, nakatanggap man si Kairus ng masasakit na salita mula sakanya. . . she always trusts him. Ni minsan ay hindi nagbago si Kairus kaya kilalang-kilala pa rin nito ang lalaki. “I need to find them,” pag-iiba na lang ni Eilythia sa usapan. Iyon na naman talaga ang rason ng pagpunta niya rito kaya sa bagay lang na iyon kailangan nitong mag-focus. “Sorry?” “Kailangan kong hanapin iyong may pakana sa pagkidnap sa mga anak ko, Franco.” Pilit nitong pinipigilan ang mga luha sa pagbuhos. Hindi pa ito nauubos at patagal nang patagal ay tila ba mas lalo itong dumadami. “I’ll help you. . .” natatarantang sabi ng lalaki lalo na noong makita nito ang pagluha ni Eilythia. “‘Wag ka nang mag-alala, okay?” Matagal-tagal na din simula nang makita niya iyon. She had enough already. Labis din nitong pinagtataka ang hindi nauubos na mga luha nito. Pagkatapos ng napakaraming taon, naririto na naman ang babae at umiiyak sa harapan niya. “If only she chose me over that guy, sigurado akong hindi ko siya hahayaang masaktan nang ganito. I will never let her do things alone. I will never let her cry alone. Kung sana ay ibinigay na lang siya ng tadhana sa akin, I will never let her suffer. Kung sana ay mas una ako kay Kairus. . . kung sana kaming dalawa ang itinadhana,” napasabi na lang siya sa sarili. Pagkatapos ng napakaraming taon, naririto pa rin ang bwisit na puso nito. . . hindi pa rin magkamayaw tuwing nakikita ang dalaga. “Si Ate Mira, nasaan pala?” Bahagyang umismid ang lalaki bago magsalita, “Hindi ko sila kasama rito. Malapit lang ang hotel na tinutuluyan ko. . . may lugar ka na ba?” Nag-aalangang ngumiti ang babae rito pagkatapos ay napabaling sa malakas na pagtunog ng cellphone nito. Dali-dali iyong sinagot ni Eilythia nang makitang si Sierra ang tumatawag. “Sie?” “Hello?” Sandaling natigil ang babae sa boses na narinig. Hindi rin nagtagal nang maramdaman nito ang pagsikip ng dibdib. “Hello?” Ipinapangako talaga nito sa sarili, pagkatapos ng lahat ng ito, babalik siya sa anak at babawi sa lahat ng araw na hindi siya nito kasama. “Eilyjah. . . a-anak, kumusta?” Tuluyan nang nag-unahan ang mga luha nito sa pagragasa. “Kumain ka na ba? Ayos ka lang ba dyan? Nakakatulog ka ba nang maayos, anak?” Imbis na sumagot, tila naging isang punyal para kay Eilythia nang marinig ang pagbaba ng bata sa tawag. Inasahan na niya ang aksyon na iyon, Eilyjah will definitely do that. Dahil hindi ito makaalala, he also finds it hard to trust people. “Elle. . .” Nakaligtaan na nitong nariyan pa si Franco sa tabi niya. Mabilis nitong kinuha ang panyong iniaabot ng lalaki at nagpasalamat. “Franco, I should go now.” Mabilis niyang inilabas sa pitaka ang business card saka ibinigay iyon sa lalaki. “I’ll see you soon. Salamat!” Tinanaw na lang ni Franco ang bulto ng babaeng papalayo habang humigpit ang pagkakahawak nito sa card na hawak. Pagkatapos ng ilang taon. . . nabigo siya sa naunang pagkakataon, ito na bang muli ang tsansa niya para tuluyang makapasok sa buhay ng babae?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD