"Wow! I've never seen such beauty!"
Tinawanan na lang ni Eilythia ang malakas na singhal na iyon ni Franco nang magkita ang dalawa.
Bihis na bihis ang lalaki't pormal na pormal. Bagay rito ang suot na itim Double Breasted suit na umakma sa maputi nitong balat. Pagkatapos ng ilang taong hindi pagkikita, ngayon pa lang nakita ni Eilythia ang lalaking ganito. Bigla tuloy nitong na-miss iyong mga panahong t-shirt at pantalon lang ang madalas na sinusuot ng lalaki habang naglilibot sa Switzerland.
Franco contributed a lot in her life. Kung wala ang lalaki, hindi niya masisiguro kung natuloy pa ba ang paglaban niya noon lalong-lalo na noong nawala ang papa niya pati na ang bata sa sinapupunan.
It wasn't an easy fight. Hindi niya alam kung karapat-dapat bang ipagmalaki iyon lalo na't ayaw na nitong balikan pa ang mga nangyari.
She sometimes want to undo the past. Paminsan-minsan naman ay tinatanggap niya na lang at pinipilit na parte ito ng buhay.
Pero kahit pa halos ikamatay niya na ang mga nangyari, heto na naman siya at haharap sa panibagong problema.
Napapagod na ba ito? Oo, sobra.
Gusto niya na bang sumuko? Oo.
Susuko ba siyang talaga? Hindi.
Hinding-hindi niya gagawin iyon. Ilang beses mang pumasok sa isipan nitong isuko na lang sa pulis ang lahat, hindi nito kahit kailan pababayaang mailubog na lang sa nakaraan ang lahat.
Aaliyah don't deserve that. Hindi rin deserve ni Eilyjah na maranasan ang lahat ng paghihirap sa ngayon.
Isa lang ang nasa isip ng babae, kung hindi nila mahahanap ang may kasalanan ng lahat, hindi sila nito patatahimikin. Kapag hindi napagbayaran ng mga may sala, habangbubay lang silang tatakbo dahil sa takot.
"Uy, nakakahiya!" sagot niya na lang dito. Sabay na nagtawanan ang dalawa habang iginigiya ni Franco si Eilythia papasok sa sasakyan.
Kaagad na nagpawis ang mga kamay ni Elle. Ngayong gabi, makikita na niya ang posibleng may dahilan ng pagkawala ng mga anak ng araw na iyon. Hindi niya alam kung paano magagawang pakalmahin ang sarili.
Sa isang pagkakamali niya lang ay paniguradong mabubulilyaso ang lahat. Kailangan niyang mas maging maingat. Kailangang ngayon pa lang ay kondisyunin na nito ang sarili.
She shouldn't lost her s**t there.
Sa ngayon, habang wala pang mga ebidensyang hawak, kailangan niyang magtiis.
Napasinghap ang babae nang maramdaman ang kanang kamay ni Franco na nakapatong sa mga kamay niyang nasa hita.
Mabilis itong nginisian ng lalaki, maingat na pinakakalma. Kahit siya ay nag-aalala para sa babae pero wala namang ibang nararapat na gawin ngayon.
Magpupunta sila roon para magmanman at kumuha ng nga kahina-hinalang bagay o tao na magagamit nila bilang witness o ebidensya sa kaso.
Hindi naman nila inaasahang magagawa iyon lahat sa isang gabi but at least they are hoping for it.
Nakaramdam nang pagka-ilang si Eilythia dahilan para mabilis nitong hugutin ang mga kamay sa ibaba ng kamay ni Franco. Mabuti ay mabilis din iyong napansin ng lalaki kaya't kaagad itong nag-ayos ng upo.
"Everything will be fine tonight. You should calm down."
Hindi na pinagtuunan pa ng pansin ni Eilythia ang sinabi ng lalaki. Patagal nang patagal, mas nararamdaman lang nito ang hindi pagiging komportable.
Dahil ba ito sa matagal silang hindi nagkita ng lalaki? Mayroon bang nagbago sa relasyon nilang dalawa?
Franco is Eilythia's good friend.
"K-Kumusta pala sila Ate Mira?" pinilit nitong maging masaya sa pagtatanong. Getting all flustered about the awkwardness will get them into nowhere.
Malinaw naman kay Franco ang lahat kaya wala itong dapat ipag-alala. Lalo pa ngayong may kanya-kanya na silang pamilya.
"Ah," madaling sagot ng lalaki. "Mira's fine. Nasa Pilipinas sila kasama si Maleia."
Mabilis na nakuntento si Eilythia sa sagot. Bigla nitong naalala ang anak ni Franco na si Maleia. Hindi niya pa ito nakikita sa personal pero dahil na rin sa i********: ni Mira ay madalas niyang makita ang napaka-cute nitong mga pictures. Eilyjah is three years older than Maleia. Kung narito pa sana si Aaliyah, paniguradong magkakasundo ang dalawang iyon.
"She wants to become a doctor," pagbibida pa ng lalaki.
Halos malukot naman ang puso ni Eilythia sa naalala. Aaliyah once talked about her dream of becoming a doctor. Sabi niya, gusto niya raw maging isang gynecologist. Gusto niyang maunang makita ang mga babies na ipapanganak. Her daughter loves babies. Kahit pa bata ang edad, hindi pa rin nila ito napipigilang kargahin ang mga anak ng mga kaibigan niya.
"Matagal-tagal pa siyang mag-aaral but I am proud of her."
Tuluyan ng natahimik si Eilythia. Gaano man nito kagustong pakinggan ang kwentong iyon ni Franco ay nagtuloy-tuloy na ito sa pagiging malungkot.
Ipinagpasalamat na lang nito ang hindi na muling pagsasalita ni Franco. Muntik pa nga siyang makatulog sa byahe.
"Lee Mi Cha," sambit muli ng lalaki bago naghanda sa pagbaba nang makarating ito sa lugar.
Napag-usapan na ng dalawa ang bagay na 'yan. Hindi dapat nila makilala sa kahit anong anggulo si Eilythia. By using other name, naiba na rin ang pananamit at ang buhok nito.
Sandali kong tiningnan ang lalaki bago magpatuloy sa pagbaba. Sobra nitong naa-appreciate ang effort ni Franco kaya naman ganoon na lang ang guilt na nararamdaman niya sa pagkailang.
Hindi niya dapat iyon maramdaman pero sa sitwasyon ngayon ay hindi nito halos maiwasan.
"Thank you, Franco."
***
Suot ang pulang bodycon dress na siyang umayon sa mga kurbang mayroon si Eilythia, tinahak nito ang eleganteng red carpet. Ilang segundo pa lang noong nasilayan niya ang lugar, napakaraming mata na ang nakabalig sakanya. Ni minsan ay hindi mo mahahalatang mayroon ng sariling pamilya si Eilythia. Swinerte ito sa pisikal na katangian pero ganoon naman ang malas na maitituring niya pagdating sa mga karahasan sa buhay.
Hindi mo ito kakikitaan ng mga peklat na bunga ng pisikal na sugat pero nakakakamatay naman ang mga peklat na mayroon siya sa loob.
Malaki ang ngiti ni Eilythia habang naglalakad. Nasa kanan nito si Franco at pilit niyang inaabala ang sarili sa pagtatanda ng mga taong maaaring pamilyar na rito.
Everything's seems so calm. Ni hindi mo man lamang paghihinalaan ang mga tao sa hotel na ito. Everyone's on their seats, iyong iba nakatayo at umpok sa iba't ibang sulok at nagtatawanan.
"Can you see that man with a red suit?" bilang bulong sakanya ng lalaking katabi. "That's Mr. Ji. Kailangan nating kunin agad ang loob niya tonight. We can't waste time."
Sumeryoso ang mukha ni Eilythia, desididong-desidido sa ginagawa bago naramdaman ang malagkit na paghawak ni Franco sa beywang niya.
Ang totoo, gusto nitong umalis sa puwesto kaya lang huli na ang lahat.
"Annyeong hasimnikka, seonbaenim," Good day, Sir, magalang ang naunang pagbati ni Eilythia sa mga naroon. Hindi pamilyar ang mga mukha ng apat na lalaki habang nakapako naman ang paningin nito sa lalaking nakapula. Ramdam niya ang lahat ng pagpipigil sa sistema.
Paano nito nagawang ipadukot ang mga anak ko? Paano nito nagawang kilitin ang bubay ng isang inosenteng bata para lang sa negosyo at pera? He's disgusting!
Ngunit gaano man ito labis na naiinis, kailangan nitong magtiis pa-para sa mga anak, para kay Kairus.
Naging masuyo ang naging pagtitig ni Eilythia lalo na sa lalaking tinatawag na Mr. Ji bago nagsalita. Ang totoo, handa na siya sa laban. Ganito ang pakiramdam ng maging isang ina. Bilang ina, hinding-hindi nito tatanggalin ang mga pangil sa taong pilit na sumisira sa pinakaiingatan kong pamilya.
Humanda ka, Mr. Ji Seo Nam, oonti-ontiin ko ang lahat hanggang sa mawala ang lahat ng bagay na pinakaiingatan mo rin.
We'll be even. "Je ileum-eun imi chaibnida." I am Lee Mi Cha. I am Eilythia Castor-Hernandez.