Si Mr. Ji ay iyong tipo nang taong mananatiling simple ang buhay. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagpapalaki sakanya nang maayos ng mga magulang o hindi naman kaya dahil sa experiences nito. Mabuting tao ang lalaki. Hindi lang sa anak ko kundi pati na sa ibang mga tao. He’s carefree, easy-going. Mas gusto niyang hindi nakapokus sa kung ano ang mangyayari kinabukasan, he enjoys every bit of the time he has. At pakiramdam ko iyon ang dapat para sa atin. Hindi natin dapat hayaan na kinakain tayo ng takot sa kung ano-ano ang mangyayari sa hinaharap. Sapat na iyong may plano tayo, may goal at pangarap. Pero kapag pinairal natin ang takot sa pag-iisip ng kung anong pwedeng mangyari, napapalagpas natin ang mga oportunidad na mayroon tayo sa kasalukuyan. We shouldn't beat ourselves too much

