Chapter 4: The Best Mistake

1873 Words
Ally's Pov "Grabe PB napagod ako kakatakbo dun ah." Reklamo sakin ni zhina."Boyfriend mo ba talaga yun? Bakit di mo sakin sinabi agad? Pero unfairness may taste ka." Dagdag niya pa na may nakakalokong ngiti. "Taste ka diyan. Saka di ko boyfriend yun no. Siya yung walang hiyang driver na ikinikuwento ko kahapon na akala niya pag aari niya ang kalsada." "Wait. Akala ko ba matanda na, eh gwapo naman pala. Naglilihim ka na sakin ngayon PB ah. Wag ka mag alala di ko naman siya aagawin sayo." "Huh? " di maakapaniwalang tanong ko." "Eh kasi naman PB ganyan yung mga napapanood ko eh. Yung tipong pangit yung simula nila tapos magkakagustuhan sa huli." "PB nakita mo naman yung babae kanina d ba? Kaya wag mo nang ituloy yang love story ko sa isip mo kasi sad ending agad." Kontra ko sa iniisip niya. "Eh pero PB di ba parang sobra naman yata yung ginawa mo." Pangongonsensiya sakin ni zhina. " Paano kung ibusted siya ni ate girl dahil sayo tapos ipapahanap ka niya tapos ipapasalvage ka tapos.... tapos wala na... wala na Kong pinsan na maganda."mahabang Pahayag ni zhina na parang naiiyak Pa. "Hoy bruha lawak ng imahinasyon mo ah... Patay agad, di ba pwedeng kulong muna." Kainis tong babae na to masyadong OA. Flashbacks Nandito kami ngayon ni Zhina sa isang restaurant para kumain, ililibre niya daw ako. Masama naman tumanggi sa grasya kaya sumama na ako. " Oh my gosh." gulat akong napatingin kay Zhina dahil sa reaksyon niya. "PB ayun yung Best man kahapon oh. Aww sayang may girlfriend na pala. " sabi nya pa na may panghihinayang. Sinundan ko naman ng tingin ang tinitingnan niya at nakita ko ang isang lalaki na hinding hindi ko makakalimutan ang mukha na siyang dahilan kung bakit hindi ako nakapunta sa interview kahapon. "Teka.. siya yun ah. " "Kilala mo sila? " nagtatakang tanong sakin ni zhina. "Actually yung lalaki lang. Malaki kasalanan nito sakin eh. Wait Lang PB ah." "Oh saan ka naman pupunta?" Tanong ni zhina. Hindi ko na sinagot ang taong niya at tumayo na ako upang lapitan sila at siya namang pag alis din nung babae at naiwan ito mag-isa. Nakayuko ito habang nagse cellphone kaya hindi niya namalayan ang paglapit ko. "Ahmm excuse me." Agaw pansin ko sa lalaki. "Yes... May kailangan k------ikaw?" Sagot niya sa Akin na parang nagulat Pa. Mabuti naman at naaalala niya pa ako. "Yup ako nga. Akala mo siguro matatakasan mo ako noh. Sorry ka dahil maliit lang ang Pilipinas. " "Hah? Teka Miss hindi kita maiintindihan. " parang nalilitong sabi niya. "Anong hindi mo ako maintindihan, hindi naman korean ang salita ko ah. " Kainis tong lalaking to may padeny deny effect pa. "Alam mo miss ang labo mo kausap. Baliw ka ba? " "Wow ha. Ako baliw? " Turo ko pa sa sarili ko. "Ikaw na nga tong may kasalanan sakin tapos gagawin mo pa kong baliw. Saka wag kang makapag deny deny dyan dahil hindi tatalab sakin yan. " "Miss ano bang kasalanan ko ang pinagsasabi mo? " Aba't ang galing umarte nito ah. Painosente Pa. "Hoy mister huwag kang mag maang-maangan dyan, hindi mo ko maloloko. Hindi ko makakalimutan yang pagmumukha mo." "Miss hindi kita kilala, ok. Ikaw tong bigla na lang lumapit at nagbintang. And besides kahapon lang kita nakita." "Ayan eh di umamin ka din. " "Hah? Anong umamin? Wala akong aaminin sayo dahil hindi kita kilala at wala akong kasalanan sa iyo." "Tigas mo din noh. Huli na pero ayaw pa din umamin" "Teka lang miss baka naman yung kakam------ "What's happening here? " Napatigil kami parehas nang may biglang nagsalita. Yun pa lang kadate ng lalaking to na di namin namalayan na dumating. "Hi Miss." Bati ko dito ng may matamis na ngiti. Lagot ka sakin ngayon lalaki ka. Ipapakita ko sayo ang nagagawa ng sinasabi mong baliw . "Hello." alanganin naman na bati niya. Infairness ah may taste ang lalaking to. Kahit kasi parang medyo mas matanda kaysa sa kanya itong kadate niya ay maganda pa din. "Ka-date ka ba ng lalaking to? " walang paligoy ligoy na tanong ko. Hindi ko na siya hinintay sumagot dahil halata naman kaya't muli akong tumingin sa lalaki. Nandito na to kaya gagalingan ko na ang pag akting. "So ipinagpalit mo na ko." wika ko na kunwari maiyak iyak pa. "You mean girlfriend ka niya? " Di makapaniwala na tanong ng babae. "Hoy miss anong pinagsasabi mo. pwede ba huwag ka dito mag eskandalo. "Miss leina wait it's not what you think ." So hindi niya pa pala girlfriend, nililigawan pa lang pero mababusted agad. "I think kailangan ko na umalis, next time na lang tayo mag usap. Don't worry it's ok." wika nung miss leina daw na parang natatawa pa. Matapos itong umalis ay muling bumaling sakin ang lalaki. "Hoy babaeng galing sa mental." Jusko bigla na lang yata nawala lahat ng tapang ko ng makasalubong ko siya ng tingin. Kung nakamamatay lang ito ay baka kanina pa ako nakahandusay dito. "Sino ka ba ha? Ano bang kasalanan ko sayo? nanggagalaiti nyang sabi. At dahil dun naalala ko ang pakay ko sa ko. "At talagang nagkukunwari ka pa din na hindi mo alam." inis kong sabi. "Miss hindi kita kilala, ok. At wala akong alam sa sinasabi mo." pagtatanggi pa din niya. "Hoy Mister wag kang magkunwari na nagka amnesia. Ano yun nabangga ka ka kahapon sa bilis ng pagmamaneho mo? Sorry ka hindi ako naniniwala. Buti sana kung may gasgas ka kaso wala eh pero di bale na lang." Kung mabagal sana ang pagmamaneho niya kahapon eh di nakapunta ko ng interview at may trabaho na ko ngayon. Wala sana ko dito ngayon. Akmang tatalikod ko na ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko na ikinabilis ng t***k ng puso ko dahil sa kaba. "So ganun na lang yun. Akala mo ba palalagpasin ko tong ginawa mo."Gigil na sabi nya sa Akin. "Alam mo bang pwede kitang ipakulong." "Ahmm excuse me." Sabay kaming napalingon nang may magsalita. Yung leina pala. "I forgot my phone." parang nahihiya pang sabi niya. Sinamantala ko naman ang pagkakataon para umalis. Mabuti na lang at nakita ko agad si zhina kaya mabilis kaming nakalayo. End of flashback Sa totoo lang nakukunsensya din ako sa ginawa ko. Paano nga kung hindi na siya sagutin ng babae at at magpakatandang binata na lan eh di sayang ang lahi. Tapos ipapatap------aaaah ano ba tong naiisip ko. Lakas makahawa ng pag iisip ni zhina. --------- Kenj's Pov Nandito ako ngayon sa isang restaurant dahil may lunch meeting kami ng isa sa mga business partners namin at kaibigan ni mama. Habang nag uusap kami ni Ms Leina nang biglang may tumawag sa kanya kaya nagpaalam siya upang sagutin ito. "Ahmm excuse me." tawag pansin sa akin ng isang babae. "Yes... May kailangan k------ikaw?" may pagkabiglang sagot ko. Siya kasi yung nakita ko sa simbahan kahapon. "Yup ako nga. Akala mo siguro matatakasan mo ako noh. Sorry ka dahil maliit lang ang Pilipinas. " "Hah?" nalilitong tanong ko. Teka Miss hindi kita maiintindihan. " "Anong hindi mo ako maintindihan, hindi naman korean ang salita ko ah. " sabi niya pa na parang naiinis. "Alam mo miss ang labo mo kausap. Baliw ka ba? " hindi ko kasi siya maintindihan dahil hindi ko alam kung anong sinasabi nya. "Wow ha. Ako baliw? " Turo niya pa sa sarili niya. "Ikaw na nga tong may kasalanan sakin tapos gagawin mo pa kong baliw. Saka wag kang makapag deny deny dyan dahil hindi tatalab sakin yan. " Lalo akong nalito sa sinabi nya, hindi naman kasi kami magkakilala. "Miss ano bang kasalanan ko ang pinagsasabi mo? " inosenteng tanong ko. "Hoy mister huwag kang mag maang-maangan dyan, hindi mo ko maloloko. Hindi ko makakalimutan yang pagmumukha mo." Dagdag niya pa na ikinapagtaka ko dahil kahapon ko lang naman siya nakita. "Miss hindi kita kilala, ok. Ikaw tong bigla na lang lumapit at nagbintang. And besides kahapon lang kita nakita." "Ayan eh di umamin ka din. " "Hah? Anong umamin? Wala akong aaminin sayo dahil hindi kita kilala at wala akong kasalanan sa iyo." naiinis nang sabi ko. Hindi ko naman kasi alam at sigurado ako na wala akong kasalanan sa kaniya. "Tigas mo din noh. Huli na pero ayaw pa din umamin". Pagpupumilit pa rin niya. Hindi kaya si Benj ang may kasalanan sa babaeng to. Pero sabi niya naman kahapon wala daw siyang kasama na pumunta sa kasal ni Ryan. "Teka lang miss baka naman yung kakam------ "What's happening here? " Napatigil kami parehas nang may biglang nagsalita, si Ms Leina pala na kararating lang. "Hi Miss." Bati ng babae ka Miss Leina nang nakangiti. Hello." alanganin naman na sagot niya na parang nalilito sa nangyayari. Ka-date ka ba ng lalaking to? " walang paligoy ligoy na tanong niya na ikinabigla namin pareho."So ipinagpalit mo na ko." wika niya pa na parang maiyak iyak pa. "You mean girlfriend ka niya" Parang na bigla naman na tanong ni Miss Leina. "Hoy miss ano bang pinagsasabi mo. pwede ba huwag ka dito mag eskandalo." sa wakas ay nasabi ko. nakakahiya kasi kay Miss Leina. "Miss leina wait it's not what you think ." pagpapaliwanag ko. Kung ano ano kasi ang pinagsasabi ng babaeng to. Napatingin naman sa akin si Ms. Leina na parang natatawa pa. "Don't worry It's okay but I think kailangan ko na umalis, next time na lang tayo mag usap." wika na lang niya na may ngiti at parang naniniwala yata sa sinasabi ng baliw na to. Matapos umalis ni Miss Leina ay binalingan ko ito at binigyan ng masamang tingin ."Hoy babaeng galing sa mental. Sino ka ba ha?" "At talagang nagkukunwari ka pa din na hindi mo alam." pagpupumilit pa rin niya. "Miss hindi kita kilala, ok. At wala akong alam sa sinasabi mo." pagpapaliwanag ko dito. "Hoy Mister wag kang magkunwari na nagka amnesia. Ano yun nabangga ka ka kahapon sa bilis ng pagmamaneho mo? Sorry ka hindi ako naniniwala. Buti sana kung may gasgas ka kaso wala eh pero di bale na lang." mahabang litanya niya. at akmang tatalikod na nang pigilin ko. "So ganun na lang yun. Akala mo ba palalagpasin ko tong ginawa mo."Gigil na sabi ko."Alam mo bang pwede kitang ipakulong." Pananakot ko sa kaniya. Ang lakas din ng trip ng babaeng to ah. "Ahmm excuse me." Sabay kaming napalingon nang may magsalita. Si Miss Leina pala kaya agad ko siyang binitawan dahil baka lalong maniwala ito sa kanya. "I forgot my phone." parang nahihiya sabi niya. Mabilis naman nakaalis yung baliw na babae. Hindi ko ito agad nasundan dahil hindi ko maiwan si Miss Leina. "Sundan mo na siya, akala niya yata nililigawan mo ako."natatawang sabi niya. Hindi ko naman alam kung hahabulin ko ba ang babaeng yun o magpapaliwanag ako kay Miss Leina dahil mukhang napaniwala na siya ng baliw na yun. Pero sa bandang huli ay hinabol ko na din ito pero ipinaglihi yata ito sa bula dahil bigla na lang itong nawala. Napahilamos na lang ako sa inis dahil sa baliw na babaeng yun na mukhang takas sa mental. Sayang maganda pa naman siya pero mukhang may tama sa utak. ------End of chapter 4----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD