Kenj's POV
Papunta na ako sa office ng biglang huminto ang isang van sa unahan ko subalit agad ko naman na ipreno kaya hindi ko ito nabangga.. Aalis na sana ako nang mapatingin ako sa babaeng pababa ng sasakyan.. Saktong napatingin din siya. Tumingin pa ito sa paligid bago muling tumingin sa akin at ngumiti na parang nahihiya. Napakaamo ng mukhang niya at hindi nakakasawang tingnan, napangiti din ako sa kanya kahit alam kong hindi niya naman ako nakikita dahil tinted ang salamin ng sasakyan ko.
Naalis lang ang tingin ko sa kanya nang mag ring ang phone ko.
"Bro ano nasa office ka na?"
"Oo na papunta na. " Wala gana kong sagot.
" Kahit kailan wrong timing ka." dagdag ko pa na mukhang hindi niya naman naintindihan.
Mabilis kong ipinihit paalis ang sasakyan dahil kanina pa ako kinukulit ni Benj na umattend ng company meeting dahil hindi daw siya aabot. Puro kasi babae ang pinagkakaabalahan. Kailan kaya nito balak magseryoso sa buhay. By the way my name is Kenj Adrienne Carlson at itong nangungulit sa akin ay si Benj Alexander (The Great daw sabi niya). Ang kakambal kong hindi ako sigurado kung kakambal ko nga dahil puro kalokohan ang alam.
"Thanks Bro, hindi mo talaga ako matiis."
"Wag ka magpasalamat dahil mas mahal ang sisingilin ko pag nahuli tayo. Siguraduhin mo lang talaga na hindi tayo mahuhuli ni papa. " paninigurado ko kay Benj.
"Oo nga. Saka don't you worry bro di ba ninong siya sa kasal ni Ryan. Alam mo naman si papa ayaw nalelate kahit saan kaya sigurado ako na hindi na siya dadaan sa office kaya safe tayo. Siya lang naman ang hindi natin maloloko."
Nakakatakot kasi magalit si Papa. Naalala ko tuloy nung magalit siya dahil sa kalokohan ni Benj. Muntik niya lang naman kami ipakasal sa mga anak ng kaibigan ni Mama. Maganda naman sila kaya lang daig pa yata nila ang payaso sa kapal ng make up. Saka ayoko din magpakasal sa taong hindi ko mahal.
------
"Ahm excuse me po sir Benj malapit na po magsimula ang meeting. "
"Okay sige salamat." nandito na ako sa office at mukhang hindi naman sila nakahalata na hindi ako si Benj. Bukod kasi sa itsura ay hindi rin nagkakalayo ang boses namin ni Benj. Si Papa at si Mr. Perez na secretary niya lang naman ang nakakapag identify sa amin. Hindi naman kasi nila kita ang peklat ko sa kanang braso. Wala nito si Benj at dahil nakabusiness suit ako hindi nila ito makikita.
--------
Nakahinga ako ng maluwag ng matapos ang meeting na hindi ako nabibisto nang mag ring ang phone ko. Its either Benj or Ryan. At hindi nga ako nagkamali ng makita ko kung sino ang tumatawag.
"Bro nasaan ka na?" It's Ryan.
"Nasa office." sagot ko na alam kong ikakaasar niya.
"What? Anong ginagawa mo diyan? " see. Sabi sa inyo eh. "It's already 9. Baka mauna pa sayo ang bride ko."
"Tsk don't worry hindi ako malelate, may dinaanan lang ako." palusot ko. Mahirap na baka magsumbong pa to kay papa at mabuko ako.
"Okay bilisan mo ah."
"Oo na." as if naman hindi matutuloy ang kasal niya kung wala ako.
"Sinisiguro ko lang na hindi ka male late. Sa pagkakatanda ko kasi nalate ka sa kasal ni kyle kaya nagpapaalala lang ako. Saka tandaan mo bro, Best Man ka, hindi ikaw ang bride."
Tsk. nang asar pa. At bakit ba napaka bigdeal sa kanila ng minsang pagka late ko sa kasal. Kasalanan ko ba na napakabusy kong tao? Hayst.
------
Ally's Pov
Wala na akong nagawa ng yayain ako ni zhina ,Hindi naman na ako makakapunta sa interview at wala din ako gagawin kaya sumama na lang ako.
"Wow PB bagay na bagay sayo yang yellow dress na suot mo ah. Baka maagawan mo pa ng scene yung bride." pagbibiro ni Zhina.
"Compliment ba yan o pang aasar."
"Siyempre pareho." sagot niya na ikinatawa naming dalawa. "O siya tara na PB. Mas maaga, mas maraming huling isda." dagdag niya pa. Kahit kailan talaga si zhina ang mood setter ko kahit minsan puro kalokohan ang alam.
-------
"Ay palaka."gulat kong sabi ng biglang huminto ang van na sinasakyan namin.
"Naku zhina mukhang na flatan yata tayo." wika ni kuya Roy na driver ng shop nila zhina kaya napatingin siya sakin.
"PB naniniwala na yata ako na malas ka ngayon. Siguro ang bigat ng kasalanan mo. nung past life mo"
Napasimangot na lang ako sa sinabi ni zhina."Dapat talaga hindi na ko sumama."
"Eto naman, joke lang."natatawang sabi niya. " hindi mo ba alam yung kasabihan na everything happens for a reason. Malay mo PB ngayon mo na pala makikita ang love of your life." natawa na lang din ako kay zhina, kahit kasi anong sitwasyon naiisingit nya pa din kasi yung tungkol sa paghahanap daw ng lovelife ko."
Bumaba na din kami ni zhina ng sasakyan para maayos agad ito ni kuya roy nang mapansin ko ang isang itim na kotse na nasa likod ng van. Nagtataka lang kasi ako hindi naman traffic pero bakit hindi pa siya umaalis. Hindi nya naman kami nabangga dahil medyo malayo ito sa likod ng van. Tiningnan ko ang driver's seat pero tinted ito kaya hindi ko din makita kaya ngumiti na lang ako. Maya maya ay umalis naman na din ito.....
----------
Kenj's Pov
Katatapos lang namin mag usap ni Ryan nang tumawag nanaman si Benj. Yung totoo mukha ba ako call center?
"Bro kumusta ang meeting? "
"Okay na. Hilingin mo lang na wag dumaan dito si papa."
"Relax bro,huwag ka masyado kabahan. Bawas bawasan mo kasi ang kape ng hindi ka ninenerbiyos."
" Palibhasa kasi ikaw sanay na sanay sa kalokohan. Kailan mo ba balak magbago ha?" Hindi ko alam kung saan kumukuha ng lakas ng loob ang isang to. Parang hindi natatakot kay papa. Sabagay mabait naman si papa, nakakatakot nga lang magalit.
"O siya sige na at baka maisipan pa pumunta dito ni Pa------Napahinto ako sa pagsasalita ng biglang bumukas ang pinto.
"Benj kumusta ang meet-------
"Kenj/Pa?" sabay naming wika.
"Patay lagot na." Pabulong kong sabi.
"What are you doing here? And Where is Benj?" galit na tanong niya
"Ahm.... ano kasi"... Eto na nga ba sinasabi ko.
"What? Nasaan nanaman ang magaling mong kapatid?"
"Ahmmm sir." singit ni Mr. Perez kaya napatingin siya dito. "Alas nuebe na po, baka ma late po kayo sa kasal."
"Okay sige. At ikaw naman." baling sakin ni papa. "Hindi pa tayo tapos. Tawagan mo si Benj."
"Yes pa." mahinang sagot ko. Yari ka sakin Benj sa isip isip ko.
------
Inis ko idinial ang numero ni Benj na agad niya naman sinagot.
"Bro anong balita? "
"Anong gusto mong unahin ko. Yung bad news o yung bad news?" inis kong sabi.
"Ha? " nagtataka naman niyang tanong.
"Sira ulo ka akala ko ba hindi pupunta sa office si papa? "
"You mean---"
"Oo. " putol ko sa sasabihin niya.
"Anong sabi niya? Nagalit ba? Bakit daw siya pumunta sa office? " Sunod sunod na tanong ni Benj.
"What do you think? " sarkastiko kong tanong.
"Sige bro usap na lang tayo mamaya para maisip natin ang idadahilan."
Aba't loko talaga to idinamay pa ko. Siya lang dapat umisip ng paraan.
------
Asar akong bumabang saksakyan nang makarating ako sa simbahan.
"Hey bro on time ah." pang aasar na bati sakin ng pinsan kong si Ryan pagkakita sa akin ngunit isang matalim na tingin lang ang isinagot ko.
"Easy lang, init yata ng ulo mo ah. Baka sa halip na kasal ay maging lamay ko to sa talim ng tingin mo. " natatawa pang sabi niya.
"Mahabang kwento." napabuntong hininga na lang na sagot ko. "Anyway congrats,sa wakas ay lalagay ka na sa magulong buhay."ganting biro ko na lang.
"Grabe ka naman. Pag ikaw tinamaan ng pana ni kupido baka mas malala ka pa sakin. Tara na nga pasok na tayo sa loob at papunta na daw si Cindy." Pagyayaya niya sakin.
-----------