BALISA si Camilla nang gabing iyon, kanina pa okupado ni Damon ang isip niya kaya hindi siya makatulog. Pabiling-biling siya sa higaan, tatayo at magpaparoot-parito. Hindi niya na maintindihan ang sarili nang gabing iyon, gusto niya ng maiyak sa kalituhan. Kanina pa naglalaro sa kaniyang balintataw ang gwapong mukha ng lalaki. Maging ang ginawa nito sa kaniya kani-kanina lang at paulit-ulit iyon na sumasagi sa kaniyang isipan. Hindi niya alam ang ibig sabihin nang nangyayari sa kaniya ngunit tingin niya ay hindi talaga maganda iyon. Napadako ang tingin niya sa alarm clock na na nasa kaniyang side table, pasado ala una na pala ng madaling araw. Paulit-ulit na sumasagi sa isip niya ang mga pangyayari sa pagitan nila. " Bakit ba kasi kaylangan niyang gawin ang mga bagay na iyon?" Naka

