NASIMANGOT si Camilla habang naghihintay sa isang restsurant kung saan magkikita sila ni Mico. Day-off niya ngayon kaya nag-aya ang binata na lumabas sila. Mas maaga siyang dumating kaysa sa eksaktong oras na napag-usapan nila kaya naman kanina pa siya naghihintay dito. Nabunutan siya ng tinik ng makita ang nobyo at dahil wall glass ang design ng restaurant tanaw niya ito ng bumaba ng kotse. Napatingin siya sa wristwatch, halos kalahating oras na pala siyang naghihintay. Lumuwang ang ngiti ng binata ng matanawan siya, pinilit niyang ngumiti sa kabila ng inis na nararamdaman. " Kanina ka pa, babe?" tanong nito. Ngayon niya lang napansin na may bitbit itong boquet of flowers at iniabot ito sa kaniya. " Mga half an hour na," malamig niyang tugon. " B-bakit naman ang aga mo?" nagkakamot an

