“I’ll wait outside,” tipid at malamig nitong sabi. Ang malamig na anino ay nagpapadilim sa anyo ng mukha ng Mafia boss. His eyes were sharp and his jaw tight. Sa pagtalikod nito ay tumambad sa paningin niya ang malapad nitong likod, at nang akmang hahakbang na ito palayo ay mabilis niya itong hinawakan sa kamay. “Sandali lang ho,” pigil niya rito. Umungol ito. Gumapang ang tensiyon sa kamay nitong hawak niya, at umigting ang mga ugat sa likod niyon. He growled, low and cold. “Release my hand before I do something that will make you cry again.” May halong pagbabanta ang timbre ng boses nito. Sinubukan nitong bawiin ang kamay, pero hindi niya niluwagan ang pagkakahawak dito. “Nabigla lang ako kanina...” mahina niyang anas. "M-masyado ka kasing marahas," matapat niyang sabi. Natigilan si

