Pinukol siya ni Perseia ng nagsususpetsang tingin. “Kung hindi mo talaga sapilitang dinala rito iyan, bakit may mga tauhan kang nagbabantay sa labas ng kuwartong ’to?” “Dahil gusto kong dito lang si Grasya,” mariing bigkas ni Helios. “Bakit?” “Bakit ang dami mong tanong?” balik-tanong niya rito. He groaned, his eyes cutting her with a menacing glare. “I have no mood left for answering questions. Lumabas ka na,” aniya sa kakambal. “Tinataboy mo ba ako?” Nagsilabasan ang mga linya ng ugat nito sa leeg. Hindi nito nagustuhan ang pagpapalabas niya rito. “I’m just telling you to leave. I just want to be alone with my... innocent doe.” Nagtikwasan ang mga kilay ni Perseia. “Ano ang balak mong gawin sa kanya, ha?” Pinatunog niya ang dila. “Gusto mo ba talagang malaman?” “Hindi pa ba bunt

