“I’ve already punished her,” nakakalokong bigkas ni Helios. Sumungaw ang pagkainis sa magandang mukha ni Perseia. “What did you really do to her? Tell me! Don’t make me hate you, Helios!” iritadong sikmat nito sa kanya, nagbabaga ang galit sa mga mata nito. Calmly, the corners of his mouth curled up, forming a wicked grin. Pero nanatiling tikom ang mga iyon. “Helios! Buhay pa ba si Grasya?” nanggagalaiti na nitong tanong, kumuyom ang mga kamay. His grin grew wider. “Helios!” “Yes, of course. Why would I kill her? Kalaban lang ang tinatapos ko ang buhay,” aniya, kalmado pa rin ang boses. “Then... did you break her legs?” Umangat ang mga kilay niya. “Hmm, ang alam ko lang, hindi niya magagawang umalis ng kama.” “So, did you—” Napasinghap si Perseia nang matumbok ang gusto niyang i

