ELONA'S POV “Sasampalin mo ‘ko, Sophia? Sige lang at naghihintay ang mukha ko sa sampal mo,” gagad ko rito. Ngunit ibinaba nito ang kamay at matalim na tumingin sa akin, “Tumapang ka pang lalo ngayon, Muchachang kabit. Himala yata na bumalik ka rito at para ano? Para maagaw mo sa akin si Rowan,” asik ni Sophia sa akin. “Tama na ‘yan, Sophia at kailangan ni Elona ng pahinga,” wika naman ni Daddy Rowan dito at hinila na ako palayo kay Sophia. “Sabi ko naman kasi na mas okay sa condo dahil guguluhin ka lang niya,” mahinang saad paniya sa akin. “Mas okay na magsalita ako, Daddy para alam niya na hindi ako takot sa kanya. “Kaya pala hindi ka umuwi kagabi dahil magkasama kayo ng babaeng ‘yan! Ni hindi mo man lang sinabi na nasa kandungan ka niya para alam ko at hindi na kita hinintay p

