ELONA’S POV “A–Anong sinabi mo, Daddy? Pakiulit mo nga,” tanong ko dahil nagulat ako at tila para akong nabingi sa narinig ko. “Ayaw ko nang ulitin! At binabalaan kita, Elona na ayaw na ayaw ko– na makita kayong magkasama ng Lorenzo na ‘yon! At huwag mo na ulit siyang dalhin dito!” asik niya sa akin. “Kung ayaw mong dalhin ko siya, ako ang sasama sa kanya dahil may project kaming gagawin,” gagad ko dahilan upang hawakan na naman niya ang braso ko. “Don’t be stubborn, Elona dahil baka hindi mo magugustuhan ang gagawin ko,” pagbabanta niya sa akin. “At anong gagawin mo, ha? Pahihiyain mo si Lorenzo? Ipababagsak mo siya sa ka–close mong professor?” sunod–sunod na tanong ko. “Hindi lang ‘yon ang gagawin ko! Kaya, kung ako sa ‘yo’y sundin mo ang gusto ko!” maawtoridad na saad niya.

