ELONA'S POV “Di–Divorce na kayo ni Sophia? Hi–Hindi ka ba nagbibiro, Daddy Rowan? Baka niloloko mo lang ako dahil ayaw mong lumayo ako sa ‘yo,” gagad ko. “No, Elona, at hindi kita niloloko, okay! Totoo sinasabi ko na divorce na kami ni Sophia. May mga dokumento ako na talagang divorce na kaming dalawa at alam kong alam ‘yon ni papa at ang daddy niya dahil nando’n sila no’ng nagpipirmahan kami ng divorce paper. So, believe me at huwag na huwag mong paniwalahan kung anong sasabihin ni Sophia sa ‘yo dahil kasinungalingan lahat ang sinasabi ng babaeng ‘yon,” mahabang pahayag niya. “Kung divorce na pala kayo, ba’t ipinagpipilitan niya na asawa ka niya at siya ang legal na asawa. Imposible na hindi niya alam ang bagay na ‘yon,” nagtatakang saad ko. “Mamaya na natin pag–uusapan ang tung

