ROWAN POV “Kausapin mong mabuti ‘yang kabit mong ‘yang Rowan kung ayaw mong masaktan ko siya!” asik ni Daddy Rowan. “Walang kasalanan si Elona sa inyo, Dad. At isa pa’y maaring totoo ang sinasabi niyang tinapunan siya ng pera ni papa. At hindi lang naman siya ang tao rito,” segunda ko, sabat tingin ko kay Sophia dahil naisip ko na hindi lang naman si Elona ang tao rito sa bahay. At mabuti na lang dahil nahawakan ko agad ang kamay ni Daddy Ralp dahil kung hindi ay dumapo na ‘yon sa mukha ni Elona at hindi ako papayag sa bagay na ‘yon. “So ako rin ang pinagbibintangan mo at isa sa mga suspek mo, ha! Eh, mas may pera ako sa ‘yo,” gagad ni Sophia sa akin. “Hindi kita pinagbibintangan, Sophia. Ang sinasabi ko lang ay hindi lang naman si Elona ang nakatira dito. But that doesn’t mea

