ROWAN POV “Nakulong ka raw sabi ni papa ng dahil sa babaeng muchacha mo na ‘yon? Ba’t hindi ka na lang manahimik, kaysa patuloy ka pa sa paghahabol sa kanya, samantalang sumama siya sa ibang lalaki. Hindi ka ba napapagod, ha?” gagad ni Sophia sa akin pagdating ko rito sa bahay. “Gusto kong mapag–isa, Sophia at kahit makulong ako dahil kay Elona ay wala akong pakialam basta’t mapa–sa akin siya,” matigas na saad ko dahilan upang tumaas ang kilay nito. “Hibang ka na talaga, Rowan! Ng dahil lang sa babae na’yon ay sisiraan mo ang reputasyon mo! Tumigil ka na sa kahahabol sa kanya dahil nagmumukha ka ng tanga!” asik nito. “Wala akong pakialam kung nagmumukha na akong tanga Sophia! At lalong wala akong pakialam kung masira man ang reputasyon ko basta’t bumalik sa akin si Elona, kaya huwag

