ELONA'S POV “Shít! Baka nga buntis ako dahil magdadalawang buwan na kong hindi dinadatnan. Pero alam kong normal lang ito dahil ilang beses na itong nangyari sa akin,” kausap ko sa aking sarili. Umupo ako sa malambot na upuhan. Saglit akong nagpahinga dahil nahihilo ako. Ngunit bigla akong nakaramdam ng gutom kahit katatapos ko lang kumain. Sabagay nga pala’y nagsuka ako kaya nilabas ko lahat ng kinain ko. Bumalik ako sa kusina at muli akong kumain. Pero talagang isinusuka ko lang kaya hindi muna ako kumain. Nag–ring ang phone ko. Kinuha ko ito at si Daddy Rowan ang tumatawag. “How’s my baby?” tanong niya sa kabilang linya. “Okay lang naman ako. Saka, huwag mo nga akong tawaging baby dahil baka may makarinig sa ‘yo riyan,” saad ko. “Ano naman ngayon? Wala naman ako sa campus, s

