ROWAN POV “Elona?” usal ko, at hindi ako puwedeng magkamali na si Elona ang nakita ko, kaya naman pinatay ko ang phone ko at patakbo akong lumapit kay Elona, ngunit nawala siya sa paningin ko. “Elona!” malakas pa na sambit ko. Halos itulak ko ang mga taong nakaharang sa daraanan ko mahabol ko lang si Elona, pero hindi ko na siya makita. “Putik!” inis na saad ko at pinipigilan kong murahin ang mga taong nakaharang sa daan. Sinapo ko ang ulo ko dahil sa inis na nararamdaman ko. Puwede ko namang tingnan sa CCTV kung nasaan siya, pero hindi naman basta–basat ipakikita sa akin nang wala akong valid reason. Humugot ako ng malalim na hininga at pinuntahan ko na sina Sophia. “Mabuti naman at nandito ka na dahil kanina pa kami nagugutom ng anak mo,” gagad ni Sophia sa akin. “Hindi ko naman

