ROWAN POV “Da–Daddy Rowan? I–Ikaw?” gulat na sambit ni Elona dahilan upang ngumisi ako. “Ako nga, Mahal ko. At hindi mo ba ako na–miss, ha? Kasi ako’y miss na miss na kita at lagi kitang inaa–alala,” ngiti ko sa kanya. “Hindi kita na–miss, Daddy Rowan, kaya ihinto mo ang sasakyan at bababa ako,” matigas na sabi niya. “Hindi ako tanga para sundin ang gusto mo, Elona dahil matagal akong nangulila sa ‘yo! Kaya sa ayaw at sa gusto mo’y sa bahay ka uuwi at baka nakalimutan mong may pinirmahan kang kontrata,” maawtoridad na pahayag ko. “Talagang baliw ka na, Daddy Rowan! Baliw ka na! At ‘yong kontratang sinasabi mo, ikaw lang naman ang may gusto niyon,” segunda niya kaya naman muli akong ngumisi nang nakaloloko. “Oo, ako lang ang may gusto, pero ba’t pumirma ka? Kaya gusto mo rin

