ELONA'S POV “Tatakas ka, ha! Tatakas ka!” sigaw ni Waldo na lumapit sa akin. “Sige, lumapit ka kung ayaw mong martilyuhin ko ‘yang ulo mo! At nang malinawan kang mali ang pinaggagawa ng mga boss mo! Sige, lapit! Lapit!” pananakot ko. Pero ang kamay ko’y nanginginig na dahil sa laki ng katawan nito. At isang pitik lang nito siguro sa akin ay tigok na ako. “Alam kong mali, pero siyempre dahil boss ko sila at pinasusuweldo nila ako’y sinusunod ko lang sila! Kaya kung ako sa ‘yo’y ibaba mo na ‘yan dahil hindi ka naman makatatakas kahit na mapokpok mo ang ulo ko dahil nagkalat ang mga binayarang tauhan ni Sir Vic. Kaya kung ako sa ‘yo’y huwag ka nang magtangkang tumakas pa dahil sinasabi ko sa ‘yo na lalo ka lang nilang pahihirapan,” mariin na sambit nito dahilan upang bitawan ko ang haw

