ELONA'S POV “Tinatanong kita, Elona! Buntis ka ba at sinong ama! Iyang hayóp na Lorenzo na ba ‘yan, ha! Siya ba!” gagad ni Daddy Rowan. “Walang híya ka talaga, Sir Rowan! Walang híya ka! Pero hindi ko iuubos ang lakas ko dahil mas higit na kailangan ako ni Elona,” asik ni Lorenzo at binuhat ako patungo sa kotse na siya namang paglabas ni Tita Lorena at Tito Jerry. “What's going on, Son? Ba't nakarinig na naman kami ng sigawan? At anong nangyari kay Elona?” sunod–sunod na tanong ni Tito Jerry. “Dinugo siya, Dad at dadalhin ko siya sa hospital,” imporma naman ni Lorenzo. “Wha–What? Di–Dinudugo? Wait, sasama kami ng daddy mo,” wika naman ni Tita Lorena at hinila si Tito Jerry sa loob ng kotse. “Umuwi na tayo, Rowan,” narinig naming saad ni Sophia. “Susundan ko sila sa hospital, kaya

