ELONA'S POV “Tingnan mo nga naman, Balae at rito pa talaga natin makikita ang kabit ng anak mo,” ngisi na sambit ni Sir Ralp nang makalapit ang mga ito sa akin. “Wala na talagang mapaglagyan ng kakapalan ng mukha ng babaeng kabit na ‘yan ng anak ko. At hindi na talaga siya nahiyang sumama pa rito sa hospital,” asik naman ng papa ni Daddy Rowan na si Sir Victor at taas–baba akong pinasadahan ng tingin at ngumisi ito ng nakaloloko. “Malaki na pala ang tiyan mo at talaga bang ang anak ko ang ama ng batang ‘yan? Baka kasi kung sino–sinong lalaki ka na lang nagpatira para may pang–matrikula ka. At baka nagpatira ka rin sa mag–amang Buenavidez,” sarkastiko na saad pa nito dahilan upang maikuyom ko ang kamay ko. “Aba’t lalaban yata sa atin, Balae dahil tingnan mo at ikinikuyom niya ang kama

