ROWAN POV “Tanggapin mo na ang katotohanang hindi na kita mamahalin pa dahil hindi na talaga kita mahal! Bigyan mo na ‘ko ng kalayaan ko para sa amin ni Elona at sa anak namin!” matigas na sambit ko dahilan upang muli akong sampalin ni Sophia, kaya naman tumayo na ‘ko. “Hindi ka na nahiya sa akin, Rowan. Kabit mo lang ang babaeng ‘yon, pero siya ang gusto mong pakisamahan, samantalang ako ang totoong asawa mo!” gagad nito. “Dahil nga hindi na kita mahal! Kaya mahirap bang intindihin ‘yon, ha! Mahirap ba!” asik ko . “Hindi, pero hindi ko ibibigay ang kalayaang hinihingi mo!” matigas na saad nito, kaya naman umigting ang panga ko. “Ng dahil lang sa hindi mo na ako mahal ay nakipaghihiwalay ka na sa akin, ha? Putik! Putik! Natutuhan mong mahalin ang kabit mo, pero ako na legal na asaw

