ELONA'S POV “A–Anong kasunduan ang sinasabi n’yo, Sir? At ano po ba ‘yang kasunduan na sinasabi n’yo? Pag–aaralin n’yo ‘ko, tapis may kasunduan po?” takang tanong ko at lumayo ako sa kanya. “Magluto ka muna at mamaya na lang natin pag–usapan ‘yan,” wika niya sa akin at tinalikuran ako dala ang malaking paper bag. Huminga na lang ako nang malalim at dinala ko na ang mga pinamili namin sa kuwarto ko. Nagluto na agad ako dahil gusto ko nang malaman kung ano ’yong sinasabi ni Sir Rowan. Tinawag ko na siya at nananghalian na kaming dalawa nang ‘di niya ako iniimikan. Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ito. “Pagkatapos mong iligpit ang mga ito, pumasok ka sa opisina ko, tabi ng kuwarto ko,” walang ganang aniya at iniwan ako. Naghugas na ako ng plato nang ma

