Kabanata 13 Nasa taas pa rin si Zao habang nakababa na ako. Hindi niya pa rin winala ang tingin niya sa akin habang may galit itong mga tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganyan kung makatingin siya sa akin. Wala naman akong ginawang masama sa kanya maliban nalang sa sinabi ko sa kanya kanina. Sa tingin ko hindi naman 'yon masama. Paano naging masama 'yon, e sinabi ko lang naman sa kanya na magbago na siya? Tama kaya ang naging desisyon ko na sabihin sa kanya 'yon? Nasabi ko na sa kanya 'yon at alam kong hindi ko na mababawi pa 'yon sa kanya. Nasa tabi ko si Heat habang hindi nito maiwasang mapangiti kay Zao. "I told you it works." sabi niya sa aking tabi sabay inom ng alak. Hindi ko sinabi sa kanya na may sinabi ako kay Zao. "Gumawa ka pa ng ibang eksena para tuluyan na 'yan

