"AKO NAMAN! Kating-kati na akong bugbugin 'yan!" naiinggit na angal ni Dev sa kasamahang demon. Ni hindi na nito hinintay na pumayag si Nasrt, ang isa pang demon na walang tigil na gumugulpi kay Baldassare. Agad na nitong inagaw ang latigo at pinaghahataw siya sa likuran! Napahiyaw na lang sa sakit si Baldassare. Sa napakaraming beses na pagkakataon, tinanong ulit ni Baldassare ang sarili. Paano siya makakaalis doon? Kung sakaling makakaalis siya, paano niya magagawang pigilan si Hades? Alam niyang makawala man siya roon, hahanapin pa rin siya nito. Tutugisin. Kapag nahuli, parurusahan. It would be an undying chain of nightmares but he thought, it would be okay. As long as Hades would leave Maricon alone, he would just stay there and accept everything. Sayang talaga dahil hindi man lang

