"WE CANNOT kill Hades. He is the king. We are going to destroy the balance of this world if we kill him. Hindi natin alam ang mangyayari sa buong mundo, sa langit at impyerno oras na masira ang balance." seryosong saad ni Mfiel at tinitigan isa-isa sina Baldassare at Inconnu. Agad silang nagusap nang magising si Baldassare. Bago pa iyon ay nagisingan ni Baldassare si Maricon na nakatulog sa gilid ng kama. Agad niya itong inihiga. Awang-awa siya sa babae. Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin siya ng guilt kaya humantong sa ganoon ang lahat. Dahil doon ay nakahanda siyang ayusin ang lahat. Kailangang matapos na ang kasamaan ni Hades para magkaroon na silang lahat ng katahimikan. Pero paano iyon mangyayari kundi nila puwedeng patayin si Hades? "I understand." napapatangong ayon ni Inconnu

