"Mfiel! Mfiel!" tawag ni Maricon nang tuluyang magpagisa. Matapos nang masinsinang paguusap nila Maricon at Joaquin ay nagpaalam na ito. Bago pa niya ito pinayagan ay siniguro niyang hindi na nito uulitin ang pagkakamali. Nangako naman ang lalaki. Sa nakita niyang katapatan nito ay napanatag si Maricon. Sunod na tinawagan naman ni Maricon ay ang ina. Naiyak siya nang malamang nasa mabuti itong kalagayan sa Laguna. Hindi na niya sinabi ang mga nangyari dahil ayaw niya itong magalala. Si Mfiel naman ang gusto niyang kausapin ngayon. Nagaalala na siya kay Baldassare dahil hindi pa rin ito nagpapakita. Ano na ba ang nangyari? "Mfiel!" malakas na tawag ni Maricon. "Maricon," tawag ni Mfiel. Napasinghap si Maricon ang lumitaw ito sa harapan. Napatingala siya rito at kita niyang maayos na ang

