"Baldassare? Ano bang problema?" takang tanong ni Maricon nang mapansing balisa si ang lalaki. Lumabas si Maricon para kumuha ng tubig per nadatnan niya itong lakad nang lakad sa sala. Ilang araw na itong ganoon. Magmula ng may mangyari sa kanila ay balisa na ito. Kung hindi naman ay laging tahimik at tulala. "Oh, where are you going?" gulat nitong tanong. Ilang beses itong tumikhim para kalmahin ang sarili. "Kukuha lang ng maiinom." aniya. "Okay. Ako na lang. Hintayin mo na lang ako sa loob." anito at dali-dali nang nagpunta sa kusina. Napabuntong hininga na lang si Maricon. Tumalima siya at naghintay. Hindi nagtagal ay dumating si Baldassare at inabutan siya nito ng tubig. Inilapag ni Maricon ang baso. Hindi na muna niya hinarap ang sinusulat. Ang mahalaga ay mapaamin na niya ito. H

