"HMM..." UNGOL ni Maricon. Ramdam pa rin niya ang pamimigat ng ulo pero hindi maitatangging medyo gumaan ang pakiramdam dahil sa mahabang pahinga. Kailan niya ba huling nasubukan iyon? Ah, hindi na yata niya matandaan. Magmula ng guluhin ni Joaquin ay hindi na siya nakatulog ng maayos. Dahil sa naalala ay biglang nabuhayan ng loob si Maricon. Pinilit niyang imulat ang mga mata para malaman ang mga nangyari. Ang huling alaala niya ay ang isang dumating na anghel. Niyakap siya nito at nawalan nang malay. "Hmm..." ungol ulit ni Maricon at unti-unting nagmulat. Hindi nagtagal ay bumungad ang kuwarto niya sa bahay nila sa Laguna. Biglang napabalikwas si Maricon. Doon niya nakita ang anghel na nakatayo sa gilid ng bintana. Humarap ito nang maramdamang gising na siya. "Did you sleep well?" ma

