"You're almost done," ani Baldassare kay Maricon. Ngumiti siya nang matamis. Sa loob ng ilang araw ay nagawa rin niyang karirin ang paggawa ng mga freebies. Nagalok si Baldassare nang tulong na idadaan nito sa magic ang lahat pero sa huli ay tumanggi siya. Gusto niyang siya mismo ang gumawa ng freebies para mas ma-appreciate ng readers. Sa huli ay pinagbigyan na siya nito. Doon ibinuhos ni Maricon ang lungkot at stress sa mga nangyari sa kanila ni Jocelyn. Hanggang ngayon ay hindi pa rin magaan sa loob niya ang mga nangyari. Nakakulong pa rin ang ginang dahil sa kasong isinampa niya. Gayunman, iniisip na lang ni Maricon na iyon lang ang paraan para matigil si Jocelyn. Umaasa siyang sa huli ay makakapagisip ito at matanggap ang lahat. "Kung hinayaan mo akong gawin iyan, tapos ka na sana,"

