Ethan’s Point of View Nagmamadali akong naglalakad sa hallway ng ospital at hinahanap si Ericka. Sa mga oras na iyon isa lang ang pinaka gusto kong gawin- yun ang makita siya. Sa limang araw naming hindi pagkikita ni Ericka alam ko na maraming nagbago dahil sa nangyari sa kaniya sa opisina ni Lester. Galit na galit ako sa sarili ko na sa mga oras na iyon hindi ko man lang siya nagawang protektahan pero ang mga ginawa ko sa ibang bansa ay para sa kaniya naman iyon at sa pamilya niya. Pagdating ko kung saan siya naka-assign na room agad ako na pumasok sa loob upang makita ko si Ericka. Pagpasok ko sa loob biglang nagtinginan ang mga magulang sa akin ni Ericka habang si Ericka ay nakaupo sa isang upuan at nakatulala. Dali-dali akong lumapit sa kaniya sabay napaluhod upang makita ang

