Ericka’s Point of View “Hey Ericka, gising.” Rinig ko na boses ni Kate sabay tapik sa aking paa. Napadilat naman ako ng aking mga mata dahil sa kaniyang pagtawag saakin. “Anong problema? Gusto ko pa matulog.” Saad ko sa kaniya. “Diba pupuntahan mo yung trabaho na sinasabi ko s aiyo? Anong oras na oh mag se-seven na madaming tao doon baka mahaba na ang pila pag dating mo doon.” Saad niya saakin. Napabangon naman ako sa kama dahil sa kaniyang sinabi. “Umaga na pala? Bakit hindi mo ako ginising kagabi?” tanong ko sa kaniya. “Sabi ni Kuya Jameson wag na daw kita gisingin dahil pagod ka dahil sa byahe kagabi kaya hinayaan nalang kitang matulog. Isa pa balak mo kumuha ng trabaho diba baka kulangin ka din sa energy dahil kulang ka sa tulog.” Sabi niya saakin

