Ethan’s Point of View Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa aming huling pupuntahan. Napatingin kami sa labas ni Ericka at nakita namin ang madilim na lugar. Bigla naman akon kinalabit ni Ericka dahilan upang mapatingin ako sa kaniya. “Ethan, asaan ba tayo?” tanong niya sa akin. Napatingin naman siya muli sa labas at tinignan ang buong paligid, “ang dilim naman dito, tama ba dito tayo pupunta?” tanong niya sa akin. Hinawakan ko naman ang kamay niya sabay pinisil ito ng mahina. “Tama lang ang lugar na napuntahan natin,” nakangiti kong sabi sa kaniya, “let’s go?” aya ko sa kaniya. Napatingin naman ulit siya sa labas ng sasakyan sabay napatingin sa akin. Napangiti siya sabay napatango-tango bilang pagsang-ayon sa akin. Agad kong binuksan ang pintuan ng sasakyan up

