Ericka’s Point of View Habang nagliligpit ng aking gamit sa ospital, nagulat ako ng biglang pumasok sa loob si Kate. “Nag-aayos ka na?” tanong niya saakin. Tumingin ako sa kaniya sabay tumango-tango. “Oo, sabi ng doctor saakin maayos naman na daw ako kasi bumaba naman na ang lagnat ko,” tugon ko sa kaniya, “isa pa baka hindi ko din matagalan ang mag-stay dito dahil sa gastos. Ngayon ngang sandali lang ako dito ang laki na ng babayadan.” “Sure, ka na ba talaga?” tanong niya sa akin, “kas baka mamaya bigla ka naman mabinat niyan,” saad niya saakin. “Wag mo akong alalahanin Kate, kakayanin ko naman to eh hindi din naman ako papasok sa opisina ngayon dahil sabi ni Miss Teresita na inayos na daw ni Ethan lahat ng bagay na naiwan ko doon,” saad ko sa kaniya. Agad kong sinarado ang akin

