3rd Person’s Point of View Habang tinitignan ni Ethan ang mga litrato nila ni Ericka noong nasa Siargao sila. Biglang kumatok si Karen sa pintuan ng kaniyang opisina. Napabalikwas naman si Ethan dahil sa pagkagulat niya ng kumatok si Karen. “Ikaw pala,” saad ni Ethan sa kaniya. Napangiti naman si Karen sa kaniya sabay pumasok sa loob ng opisina ni Ethan. “Pwede ba tayo mag-usap Ethan?” nakangiting sabi ni Karen sa kaniya. Napakunot naman ang noo ni Ethan dahil sa sinabi ni Karen. “Sige, ano bang pag-uusapan natin?” tanong niya. “Pwedeng sa rooftop na lang tayo mag-usap,” saad ni Karen. Napatango-tango si Ethan sa kaniya bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi. Agad naman lumabas si Karen sa opisina ni Ethan, sinundan naman siya ni Ethan hanggang sa makarating sila sa rooft

