Ethan’s Point of View Makalipas ang ilang araw na pananatili namin sa Baguio ay naisipan na namin na umalis ni Ericka upang pumunta sa susunod na lugar na aming pupuntahan. Nag-aayos kami ni Ericka ng aming gamit hanggang sa may kumatok sa pintuan ng aming room. Agad ko naman binitawan ang aking bag at pinuntahan ang pintuan upang tignan kung sino ang kumakatok dito. Pagbukas ko nito ay biglang bumingad sa amin ang driver namin. “Sir nakahanda na po ang sasakyan na gagamitin natin papunta nang airport,” saad niya sa akin. Napangiti ako sa kaniya sabay napatango-tango dahil sa kaniyang sinabi. “Sige susunod na kami ni Ericka,” saad ko sa kaniya. Yumuko siya sa akin bago siya maglakad paalis sa pintuan. Agad ko naman sinarado ang pintuan ng aming room bago ako bumalik sam kama upa

