Ericka’s Point of View Nanatili lang akong nakatayo sa aking kinatatayuan habang pinipilit na punasan ang aking mga luha. Parang namanhid ang buo kong katawan dahil sa mga nangyari ngayong mga oras na ito. Dapat masaya ako, pero bakit naging ganito ang takbo ng lahat? “So ikaw pala ang bago ni Ethan?” tanong ni Karen sa akin. Napalunok naman ako sabay napatingin sa kaniya. “Bakit ka pa bumalik?” tanging mga tanong na lumabas sa aking bibig. Bigla naman siyang natawa dahil sa aking tanong sa kaniya. “Bakit bawal na ba akong bumalik dito, Ericka?” natatawa niyang tanong, “grabe, ang hirap daw ng mga pinagdaanan ng pamilya ninyo sa kamay ni Lester,” saad niya sa akin. Napatikom naman ang aking kamao dahil sa kaniyang sinabi. “Kala ko ba malakas ka?” tanong niya sa akin, “bak

