Ericka’s Point of View Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa inis ko kay Lester. Agad akong bumaba ng second floor at tumungo sa may dining area namin. Pagpasok ko doon agad silang napatingin saakin na para bang meron silang nakitang mulo na pumasok sa loob ng dining area. Ngumiti ako sa kanila sabay naglakad papalapit kay Kuya. “Sorry napatagal pero andito na ako.” Masaya kong sabi. “Ang kupad mo talaga lagi Ericka.” Diin ni Dad saakin. Napairap nalang ako sa hangin at umupo sa tabi ni Kuya. “Bakit jan ka nakaupo?” biglang tanong ni Dad saakin. Napatingin ako sa kaniya ng nagtataka dahil sa pagsita niya saakin. “Bawal ba ako umupo? Di ako inform ah.” Sarcastic kong sabi sa kaniya. Tinignan lang ako ni Dad ng masama at sabay tumingin kay Lester.

