Ericka’s Point of View Natapos ang hapon na iyon ngunit hindi parin ako makakuha ng sagot kay Ethan kung anong pinag-usapan nilang dalawa. Kahit na kay Kuya ay ayaw niyang sabihin kung ano bang pinag-usapan nilang dalawa ni Ethan. Kahit na sa buong byahe namin pauwi ng bahay ni hindi man lang niya akong magawang kausapin. Napatingin nalang ako sa labas ng sasakyan ni Kuya habang tinitignan ang mga lugar na dinadaanan namin pauwi sa bahay. Ngunit kahit anong gawin kong pang-aaliw saaking sarili ay nandito parin saakin ang hindi magtaka kung ano ang pinag-usapan nila ng halos isang oras at kalahati. Napapikit nalang at sabay napatingin kay Kuya habang siya ay nagda-drive. Agad naman akong napahinga ng malalim bago siya tanungin. “Kuya-“ “I said it twice Ericka. Wala akong sasabihin

