Ericka’s Point of View Napalunok ako dahil sa kaba nung magsalita siya. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya habang ang mga tingin niya saakin ay nakakamatay. Napahinga ako ng malalim bago makipag-usap sa kaniya. “Ka-kasi yung Lo-Lola mo pinadala yung pagkain mo.” Utal kong sabi sa kaniya. Tinignan niya ang hawak-hawak kong baunan. Bigla niyang tinabig si Jin upang makadaan siya sa pintuan ng kaniyang kuwarto. Napako naman ako sa aking kinatatayuan ng bigla siyang tumigil sa harapan ko. Dahil sa tangkad niya tangin dibdib lang niya ang nakikita ko. “Ethan, pumasok ka na sa loob.” Saad ni Jin. Ngunit hindi sumunod si Ethan sa halip ay nag-bend siya upang pumantay sa mukha ko. Napalayo ako bigla ng makita ko ang mukha niya na sobrang lapit na sa mukha ko. “Iha

