Ericka’s Point of View Biglang nag-iba ang atmosphere sa loob ng kaniyanag opisina at napalitan ng mabigat na emosyon. Hindi ko alam kung paano makakatingin sa kaniya ng diretso ngunit kapag nakita ko ang kaniyang mukha nakikita ko ang galit nag alit na itsura niya. Pinipilit kong iwasan ang mga matatalim niyang tingin saakin ngunit nararamdaman ko pa din ang matalim niyang titig saakin kahit na anong gawin kong pag-iwas sa kaniya, Pakiramdama ko napakao na ako sa aking inuupuan at kahit anong gawin kong pagtayo upang umalis sa loob ng kaniyang opisina ay hindi ko magawa. “So naisipan mo pa palang bumalik, Ericka?” mapait niyang sabi saakin. Hindi naman ako nakasagot sa kaniyang sinabi sa halip ay tinignan lang siya. Nakita ko sa itsura niya ang malaking pinagbago ni

