Ericka’s Point of View Dali-dali akong lumabas sa building upang makahanap ng masasakyan para makapunta sa ZEA company. Hindi ko alam kung pinapahirapan ba ako ni Ethan pero kailangan kong ipagpatuloy ang trabaho na ito dahil alam ko na makakatulong to ng malaki sa pamilya ko. Napapikit lang ako sa loob ng sasakyan at iniisip kung ano ang dapat sabihin upang makuha ang collaboration. Ngayon lang ako nasabak sa on-the-spot na gawain dahil never ko pa naman nagawa yan sa buhay ko at dito talaga sa isang napakahalagang project ko gagawin to ni hindi man lang ako binigyan mag prepare ni Ethan. Napahawak nalang ako sa aking ulo dahil sa stress na nararamdaman ko na naghahalo sa kaba ko dahil sa gagawin ko ngayon. Hindi ko pa din lubos maisip na yun lang sasabihin ni Ethan saak

