Chapter 47- Nangangamoy kasalan na

1604 Words

Nagkakape noon habang nakatayo sa veranda si Anthony nang datnan ni Doughs. “Boss, kumusta? Hanggang saan kayo nakarating ni Mia kagabi?” agad na kantiyaw nito habang ibinababa ang bag. Kunot ang noong humarap siya kay Doughs. “Ano ba’ng pinagsasasabi mo riyan?” Sumulyap sa loob si Doughs, hinahanap si Mia, bago ito sumagot. “Dinala ko sa’yo kagabi si Mia, ah?” “G*go ka! Ikaw pala ang nagdala kay Tootsie rito!” napatimbagang na sabi niya. Nakaawang ang mga labi na lumapit sa kanya si Doughs. “Boss, ang linaw ng pagkakasabi ko, ang sabi ko si Mia hindi si Tootsie! Hinatid ko si Mia sa’yo kagabi! Iniwan ko siya riyan sa gate,” anito sabay turo sa labas. “Wag mo akong lokohin! Wala akong nakitang Mia kagabi. Si Tootsie ang nandito nang magising ako. Suot pa nga ang long sleeve ko, eh!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD