Kabababa pa lang ni Anthony sa airport mula sa pagbisita niya sa casino project niya sa Tacloban nang makatanggap siya ng tawag mula sa abogado niya. “Anthony, nasaan ka ngayon? Kailangan nating mag-usap,” bungad ng abogado. Napakunot ang noo ng binata. “Tungkol saan?” “May isinampang kaso sa’yo ang kapatid ni Jen.” “Ano? Ano’ng kaso?” “Magkita tayo sa coffee shop na malapit sa opisina mo, dun na lang tayo mag-usap.” Malaki ang mga hakbang at halos magsalubong ang mga kilay niya habang naglalakad palabas ng airport. “Boss, kumusta biyahe?” nakangiting salubong sa kanya ni Doughs habang inaabot ang gamit niya. “Bilisan mo! Idiretso mo ako sa coffee shop na malapit sa opisina ko, magkikita kami ni Attorney,” aniya atsaka niya mabilis na binuksan ang pinto ng kotse. “Attorney? Bakit

