Para kausapin si Patrick, nagpaalam si Anthony na kunwari'y magbabanyo. Sa harapan ng counter siya dumaan atsaka niya sinenyasan si Patrick na sumunod sa kanya sa opisina. "Boss, may problema ba?" anito habang nakabuntot sa kanya. "Sumunod ka sa akin sa office," hindi lumilingong sabi niya. "Boss, ano ang mayron?" tanong ni Patrick nang maisara ang pinto Napabuga muna ng hangin si Anthony para mag-release ng tensiyon, bago niya ito hinarap. "Ano'ng pinagsasabi mo kay Mia? Bakit bait na bait sa'yo ang isang 'yon?" "Boss, wala naman akong sinasabi, ah? Sinunod ko lang naman lahat ng bilin niyo." "Hindi ba naging malinaw sa'yo kung ano ang mayroon kaming dalawa?" "Sorry, Boss. Hindi ko alam, eh. Ano nga ba ang mayroon kayo?" "Wala pang kami. Pero malapit na 'yon, kaya pwede ba? du

