Chapter 4- Pa-impress ba, Boss?

1354 Words
"Miss, sorry! Kasalanan ko. Bigla kasi akong tumigil sa paglalakad kaya na-out of balance siya at nasubsob sa'yo," anang lalaki na siyang puno't dulo ng lahat. Hindi naman nakaimik si Mia. "Sumunod kayo sa office ko!" ani Anthony na noo'y nagpatiuna nang maglakad papunta sa opisina nito. Doon ipinapanood ni Anthony sa kanila ang kuha ng CCTV. Kitang-kita ni Mia kung paano biglang tumigil sa paglalakad at nagsintas ng sapatos ang lalaking sinusundan ni Anthony kaya ito napasubsob sa kanya. Sa sobrang hiya, sunod-sunod siyang nagyuko ng ulo habang paulit-ulit na humihingi ng sorry. "Sorry? Paano 'yung sapak na inabot ko kanina? Mabubura ba 'yon ng sorry mo?" seryoso ang mukhang sabi ni Anthony. Blanko ang mukhang napatingin siya sa binata. Hindi niya magawang ibuka ang bibig niya para mangatwiran dahil malinaw naman sa napanood niya, na wala itong kasalanan. Ramdam ni Hazel ang tensiyon sa pagitan ng dalawa kaya agad itong namagitan. Nakangising humawak ito sa braso ni Mia habang nakaharap kay Anthony. "Boss, pasensiya na. Medyo nag-aadjust pa po kasi itong kaibigan ko. "Matalim ang tinging ipinukol ni Anthony kay Hazel bago ito muling bumaling kay Mia.“Ayusin mo ‘tong kaibigan mo. Wala sa ayos, eh.” "Opo, Boss. Una na po kami. Dumarami na po ang tao sa labas," ani Hazel sabay hila kay Mia. Naiwan sa loob ng opisina si Dindo na noo'y nakikiramdam pa kay Anthony. Pumuwesto na si Anthony sa harapan ng computer atsaka nito binuksan. "Bago lang ba ang isang 'yon?" kunwa’y sabi nito habang naka-focus sa monitor. "Oo, Boss. Kapapasok niya lang ngayong gabi," ani Dindo. "Mukhang maikli sa kanya ang unipormeng suot niya ah, wala na bang mas hahaba pa ro'n?" "Boss, iyon na ang pinakamahabang sukat sa uniporme natin." Napatingin si Anthony kay Dindo na tila nag-iisip. “Masyado palang maikli ang uniporme ng girls. Magpatahi ka nang bago, habaan mo nang kaunti," aniya. “Sige po, Boss,”ani Dindo na noo’y nanatiling nakatayo sa harapan ng binata. “May kailangan ka pa?” tanong ni Anthony nang mag-angat ng paningin. “Wala na, Boss,” nakangiting sabi nito. “Sige na. Okay na.” Doon palang nakahinga nang maluwag si Dindo. Inihanda na kasi niya ang sarili sa pananabon ni Anthony pero swerteng hindi siya pinagalitan nito. Palabas na si Anthony ng opisina nang matiyempuhan niya si Mia na mistulang nakikipagtalo sa costumer. “Miss, baka naman pwedeng makahingi ng isang kiss diyan?” narinig niyang sabi ng lalaki. Inabot nito ang braso ni Mia at pilit nitong hinihila papalapit. “Sir, wala naman pong bastusan,” sabi ng dalaga habang kinakalas ang kamay ng lalaki na mahigpit na nakakapit sa braso niya. Lumingon sa paligid si Mia na tila nagpapasaklolo kaya pumormang lalapit si Dindo. Pero agad itong hinarang ni Anthony. Gusto pa kasi niyang makita kung hanggang saan kayang ipagtanggol ng dalaga ang sarili. Natatawang tumayo ang lalaki at lumapit kay Mia. “Hindi naman kita binabastos, ah?” nakangising sabi nito habang nakatingin sa dibdib ng dalaga. Umakto ito na dadakmain ang dibdib ng dalaga kaya mabilis na lumapit si Anthony at hinablot ang kamay ng lalaki at pinalipit. Namilipit ang lalaki at napasigaw sa sakit. "Saan sa tingin mo ang dapo ng kamay mo, ha?" maangas na tanong ni Anthony. "Sino ka ba, ha? Bakit ka ba nakikialam?" Napatiimbagang si Anthony. "Sino ako, ha?" aniya atsaka niya ito sinikaran sa sikmura. Napabaluktot sa sakit ang lalaki pero sa halip na tigilan, binirahan niya pa ito ng suntok sa mukha at agad itong napasubsob sa mesa. Napatayo ang tatlo pang kasamahan ng lalaki at akmang lalaban sa kanya pero bigla ring natigilan nang pumalibot sa mga ito ang anim pang tauhan niya na noo'y kasalukuyang nagkakatuwaan sa bar. “Huwag na kayong makisali kung ayaw niyong masaktan,” bulong ng isang tauhan ni Anthony na noo'y palihim na itinutok ang baril sa likuran ng isang lalaki kaya agad itong napataas ng mga kamay. “Hindi kami lalaban, Boss,” nanginginig ang boses na sabi ng maliit at medyo mabilog ang katawan na lalaki. Inabot ni Anthony ang braso ni Mia atsaka niya ito hinila papunta sa likuran niya. Pagkatapos ay muli niyang binalingan ang bastos na lalaki na noo'y kasalukuyan palang tumatayo mula sa pagkakasubsob sa mesa. Dinakot niya ito mula sa likuran atsaka niya inihagis sa sahig. Nanginginig na gumapang ang bastos na lalaki sa sahig habang sinusundan niya. "Saan ka pupunta? Matapang ka hindi ba?" tanong niya atsaka niya ito tinadyakan. Napatihaya ang lalaki. Hindi pa halos ito nakakabawi nang apakan niya ang kanang kamay nito. Napangiwi ang lalaki at napaingit sa sakit. "Kung hindi mo kayang dalhin ang alak, 'wag ka ritong magkalat!" sabi niya atsaka niya idiniin ang pagkakaapak sa kamay ng lalaki. Doon na ito napasigaw sa sakit. "Argh!" “Ayoko nang makita ang pagmumukha niyo rito, ha?" banta niya sa lalaki. Pagkatapos ay pinasadahan niya ng tingin ang tatlo pang kasama nito. Doon niya palang inalis ang pagkakaapak niya sa kamay nito. Bumaling si Anthony kay Mia na noo'y nakatungo na ang ulo sa sahig habang mahigpit na magkasalikop ang mga kamay. Hindi niya alam kung natakot ito sa mga lalaki o natakot ito mismo sa kanya dahil sa ginawa niya. “Okay na, Miss. Hindi ka na ulit guguluhin ng mga ‘yan,” aniya. Bahagyang tumango ang dalaga pero hindi ito nagtaas ng ulo. "Salamat po, Boss," mahinang sabi nito. Kinawayan ni Anthony si Dindo na noo'y nakatayo at nakatanaw sa kanila kasama ng dalawang gwardiya at dalidali itong lumapit sa kanya. "Ipa-blotter mo ang nangyari sa barangay. At i-ban niyo ang mga ito. Ayoko nang makita ang pagmumukha ng mga ito rito," aniya. "Yes, Boss!" mabilis na sagot ni Dindo. Isa lang ang bar na 'yon sa pinamamahalaang negosyo ni Anthony na pag-aari ng papa niya. Dati iyong pugad ng pr*stitution. Pero binago niya nang siya nang mamahala. Hindi kasi siya pabor sa mga illegal na negosyo ng ama niya. “Boss, type mo si Mia, noh?” kantiyaw ni Doughs habang naglalakad sila papalapit sa kotse. Si Doughs ang isa sa tauhan niya na pinagkakatiwalaan niya at itinuturing niyang matalik na kaibigan. Kunot ang noong nilingon niya ito. "Sino'ng Mia?" "Si Mia, 'yung bagong tauhan natin. 'Yung babaeng tinulungan mo kanina," anito habang sumusunod sa kanya. "Nakita ka namin kanina habang pinagmamasdan mo siya kaya inalam ko na ang pangalan para sa'yo." "Mia nga pala ang pangalan niya. Wala namang espesyal sa ginawa ko. Binabastos siya ng lalaki kaya ko siya tinulungan. Walang ibang ibig sabihin 'yon,” ani Anthony habang pasakay sa kotse. Mabilis namang umikot si Doughs sa kabilang pinto at sumakay sa tabi niya. "Asus, talaga ba? Eh, bakit ang lagkit ng tingin mo sa kanya. Ngayon lang kita nakita na tumitig nang ganun sa isang babae," hirit nito sabay sara ng pinto. "Nakita ko na siya sa casino. Anak 'yon ni Mang Mando," sabi niya habang binubuhay niya ang makina. Napatango-tango si Doughs. "Kaya pala pamilyar siya sa akin, Boss,” anito. "Pero aminin mo, maganda siya hindi ba?" muling hirit nito nang bumaling sa kanya. Natawa si Anthony. "Para ka naman ngayon lang nakakita ng maganda." "Hindi iyon ang punto ko, Boss. Aminin mo nagandahan ka rin sa kanya," ani Doughs.. Muli niyang sinulyapan si Doughs. " Eh, ano naman ang problema kung nagandahan ako sa kanya?” blanko ang mukhang tanong niya. Gumuhit ang malaking ngiti sa mukha ni Doughs. "Sabi ko na nga ba type mo si Ate Girl, eh. Todo ang pasikat mo kanina, eh," anito. "G*go! Ano'ng pasikat? Kahit naman kanino mangyari 'yon, gagawin ko pa rin 'yung ginawa ko kanina." “Naku, Boss! ‘Wag ako, ha? Pwede namang kami na lang ang makipagsapakan dun. Gaya nang dati. Pero kanina, sinolo mo ang credit,” natatawang sabi ni Doughs. Natatawang tinapik niya ang suot na cap ni Doughs. "G*go ka! May pa-credit- credit ka pang nalalaman.” Nangingiting inayos ni Doughs ang pagkakasuot ng cap na noo'y tumakip na sa mukha nito."Asus! Nagbibinata ka na Boss," kantiyaw nito. Napangiti na lang si Anthony atsaka nag-focus sa pagda-drive.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD