Sa kabila ng sakit na nararamdaman, nagawa pa rin ni Anthony na isipin ang kapakanan ni Mia. Bago tuluyang umalis, ibinilin niya ang mag-ama sa kaibigang doktor. Nag-iwan din siya nang malaking halaga ng pera para panustos sa pangangailang medical ni Mang Mando. Bukod dun, nag-hire rin siya ng dalawang tao na sekretong magbabantay sa seguridad ng mga ito. "Boss, desidido ka na ba talaga sa desisyon mo? Iiwan na ba natin talaga si Mia?" tanong ni Doughs habang binabaybay nila ang daan papunta sa resthouse ni Anthony sa Subic. "May nakausap na ako na magbabantay sa kanila," sagot niya habang nakatutok sa kalsada. Saglit siyang tumigil sa isang convenience store at namakyaw ng alak. "Boss, akala ko ba okay ang paghihiwalay niyo ni Mia? Para saan 'tong mga alak na 'to?" ani Doughs na noo'y

